Advertisement

Responsive Advertisement

Alden Richards Ginagamit Si Maine Mendoza Para Pagusapan Ang Kanilang Pelikula Ni Julia Montes?!

Huwebes, Oktubre 12, 2023



Pasabog ang rebelasyon ng Kapuso actor na si Alden Richards sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.


Sa panayam na ito, napag-usapan ang career ni Alden, kaya imposibleng hindi pag-usapan ang phenomenal love team na AlDub.


Dito at walang pa ligoy-ligoy itinanong sa kanya ni Tito Boy kung nagkagusto ba siya sa dati niyang love team na si Maine Mendoza o kilala noon bilang Yaya Dub.



Tanong ni Tito Boy "Did you fall for Maine Mendoza?", sagot naman ni Alden "Yes Tito Boy, hypocrite po ako kung hindi. Yes pero ayoko kung sabihin na alam niya pero I did, I did confess."


Matatandaang nabuo ang AlDub sa unang pagkakataon na nakita siya ni Maine sa karakter bilang Yaya Dub sa One for all All for Juan segment ng Eat Bulaga noong 2015.

 

Hindi maiwasan ng mga netizens na isipin na ginagamit lang ni Alden ang pangalan ni Maine para muling pag-usapan ang AlDub o gumawa ng ingay para sa kanyang paparating na pelikula.



Gayunpaman, para sa mga solid fans ni Alden, ginagamit nito si Maine, makikita raw sa mga mata ni Alden na sincere ang aktor sa mga sagot ni Tito Boy.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento