Advertisement

Responsive Advertisement

Jiro Manio, Isa Na Ngayong Facilitator Sa Rehabilitation Na Pinag-dalhan Sa Kanya Noon!

Lunes, Oktubre 2, 2023



Maraming netizens ang nanghinayang sa kinahinatnan ng showbiz child star na si Jiro Manio, na sa murang edad ay humanga sa maraming viewers sa kanyang husay sa pag-arte.


Ngunit bumagsak ang kanyang karera nang magsimula siyang gumamit ng ilegal na droga at masangkot sa ibang gulo. Naging headline din ito sa pagiging palaboy at muntik nang mamalimos sa airport.


Paano na ngayon pagkatapos dumaan sa matinding kontrobersiya? Sa Youtube channel ng beteranong mamamahayag na si Julius Babao, kamakailan ay personal niyang nakapanayam si Jiro.



Kung noon ay ipinapasok siya sa mga rehab dahil sa pagkalulong sa illegal na dr4ga. Ngayon ay tumutulong na siya sa iba para makabangon.


Nagbigay inspirasyon at umantig sa puso ng mga netizens ang malaking pagbabago ngayo sa dating actor dahil matapos itong malagpasan mga dagok sa buhay.


Isang taon na siyang Rehab facilitator sa DOH Treatment and Rehabilitation Center sa Bataan kung saan dito rin umano siya nag rehab.



Saad ni Jiro "Nagkaroon ng konting hindi pagkakaintindihan sa bahay namin. Yun po yung maraming balita po yung na gumamit na ako ulit"


"Tapos, yung epekto ng dr4gs tumama sa functions ko. Hindi ko maisipan bakit ba ako nandito."


"Hindi e, wala e, yun ang trip ko. Lumalaban yung epekto ng dr4gs para pong lason yun ang naging epekto sa akin"


Sa huli na hanap ni Jiro ang kanyang sarili at naging malapit siya sa Diyos, nangako rin si Jiro na hinding hindi na niya babalikan ang naging pagkakamali niya noon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento