Advertisement

Responsive Advertisement

Young CEO Na Si Josh Mojica, Inulan Ng Batikos Dahil Dito!

Huwebes, Oktubre 12, 2023



Marami ang nagtaas ng kilay at pinagmumulan ng halo-halong sentimyento ngayon ng mga netizens ang mga saloobin mula sa isang panayam sa kilalang young business man at CEO ng KangKong Chips original na si Josh Mojica.


Matatandaang nag-viral si Josh bago ang 2021 kung saan kumikita ng 5000 pesos kada araw ang 17 years old dahil sa kanyang start up business na KangKong Chips.


Sa nakalipas na 3 taon, kumita siya ng 40 milyong piso sa edad na 19 taong gulang pa lamang.



Sa kabila nito tila may iilan na hindi sumasang-ayon sa kanyang pananaw sa edukasyon, lalo na ang karamihan ay naniniwala na gaano man katatagumpay ang isang tao, iba pa rin ang nakatapos ng kanilang pag-aaral.


Ayon kay Josh, "Hindi na ako babalik sa college, Unang-una wala ako masyadong bilib sa sistema ng pag-aaral dito sa Pilipinas."


"Kasi karamihan ng na-experience ko sa journey on how to have a sucessfull life ay wala ako halos nagamit masyado na galing sa eskwela"



Sinagot din ng batang CEO ang mga binato sa kanya ng mga bashers na hindi na siya mayabang kumpara sa mga naunang interview.


Pabiro niyang sagot "Mayabang talaga ako, hindi joke lang. Tayo nagyayabang tayo kasi para ipakita na posible. Hindi tayo nagyayabang para kainggitan niyo."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento