Advertisement

Responsive Advertisement

Kathniel, Totoo Kayang May Problema? Kath in-unfollow Si Andrea Sa IG!

Lunes, Nobyembre 20, 2023


Something fishy, ito ang naging reaksyon ng mga observant netizens matapos nilang madiskubre na in-unfollow ni Kathryn Bernardo ang kapwa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa Instagram.


Ito ay sa gitna ng usap-usapan na may problema sa relasyon ni Kath at ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Kamakailan, inanunsyo ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang diumano'y hiwalayan ng celebrity couple.


Nasangkot dito ang pangalan ni Andrea, na ayon kay Ogie ay nali-link kay Daniel at palihim umanong nagkikita ang dalawa.


Bagama't kalaunan ay binawi ni Ogie na hindi mula sa kanya nanggaling ang tsismis, galing daw ito sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan.



Nitong Biyernes lang, napansin ng mga netizen na wala na ang Instagram account ni Andrea sa following list sa Instagram account ni Kath.


Kabaliktaran naman ito kung bibisitahin ang Instagram account ni Andrea dahil nanatili sa kanyang following list si Kathryn Bernado. Pagdating naman kay Daniel, mapapansing patuloy na sinusundan ng aktor si Andrea habang ina-unfollow siya ng young actress.


Paulit-ulit na tanong ng netizens kung totoo ba ang unang ibinalita ni Ogie na may isyu sa pagitan ng tatlo.


Last November 14, huling nakitang magkasama sina Daniel at Kath nang dumalo sila sa isang luxury event, si Kath mismo ang nag-re-repost ng ilang litrato nila ni Daniel kasama ang ilang kaibigan sa kanyang IG stories.


Naging viral din ang event na kuha sa after party kung saan makikitang magkasamang sumasayaw sina Kath at Daniel sa dance floor.


Pinabulaanan lang ni Daniel ang mga kumakalat na haka-haka sa pagitan nila ni Kathryn nang ibahagi niya sa kanyang Instagram story ang video ni Kath kung saan ang aktres ang online cover ngayong buwan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento