Advertisement

Responsive Advertisement

Papi Galang, Ikinuwento Ang Kakaibang Ginawa Niya Kay Toni Fowler Para Makasama Sa Girl Group Nito!

Martes, Nobyembre 14, 2023


Usap-usapan ang panayam ng host-actress na si Toni Gonzaga sa magkapatid na Paye at Papi Galang.


Bago i-upload ni Toni Gonzaga ang interview ay ipinakita muna ito kay Toni Fowler bago at pagkatapos ng interview kung saan makikita na napamura at puro galit ang natanggap ng magkapatid kay Toni Fowler.


Isang araw bago ang panayam, ipinaalam ni Toni Fowler na may interview ang magkapatid na Galang para mapaghandaan nila ito at kumuha pa si Toni Fowler ng isang propesyonal na make up artist para magmukhang maganda sa camera ang dalawa.


Pero late ng magising ang magkapatid na Galang dahil 12:30 ang call time nila at 10 am na sila nagising, hindi rin nagustuhan ni Toni Fowler ang damit ni Papi Galang na mukhang hindi pinaghandaan.



Sa kabilang banda, isa sa mga napag-usapan sa panayam ng magkapatid na Galang at Toni Gonzaga ay tungkol sa mahihirap na pinagdaanan ni Papi lalo na sa kanyang kabataan.


Matatandaang ikinuwento ito ni Papi sa kanyang vlog kung saan binugaw siya ng sarili niyang ina para matustusan ang pang-araw-araw na buhay at pag-aaral ni Paye.


Lumayo siya sa kanyang ina nang tumakas ito at napunta kay Toni Fowler, aniya, dahil nag-viral si Toni sa t-twerking at naghahanap siya ng makakasama para bumuo ng isang girl group.


Pagpapatuloy ni Papi, alam niyang bi-sexual si Toni kaya para maging isa siya sa mga napili, inakit niya si Toni.



"Nakita kong nag-viral sa Facebook si Toni Fowler and then gumagawa siya ng Girl group, tapos sabi ko gusto ko sumali kasi nga gusto ko i-pursue yung pagsasayaw ko."


"and then sinamahan ako ng nanay ko mag-audition sa isang bar hanggang sa nakita ko po si Toni Fowler and then ang nangyari po nun, hindi rin po maayos ang pagkakakilala namin sa isa't isa kasi lasing siya that time kaya inakit ko siya parang feeling ko kailangan ko gawin to para lang makapasok sa grupo."


Pagkatapos noon, naging bahagi ng girl group ni Toni Fowler si Papi Galang.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento