Advertisement

Responsive Advertisement

Vice Ganda Pinalayas Si Ion Perez Para Sa Kaniyang Viewing Party Sa Miss Universe!

Lunes, Nobyembre 20, 2023


Inihayag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang buong suporta sa ating Miss Universe contestant na si Michelle Dee.


Sa isang episode ng It's Showtime sa kanilang bagong segment na MeChoose MeChoose ay isinama nila ang kanilang mga tanong tungkol sa mga mangyayari sa Miss Universe 2023.


Dahilan para pag-usapan ang kinatawan ng Pilipinas sa nasabing patimpalak na si Michelle Dee.



Ayon kay Vice Ganda, "Si Michelle Dee ay lumalaban ngayon sa beauty pageant, actually bukas yung coronation night kaya may Miss U viewing party sa bahay ko. Lalayas muna sa Ion."


"Kasi sabi ko punta muna siya ng tarlac, mapupuno ng bakla dito at hindi ka makakatulog."


Hindi dito natapos ang fanatic ni Vice Ganda sa Miss Universe dahil kahit ang snake walk na ginawa ni Michelle Dee sa preliminary ng Miss Universe ay ginaya ni Vice Ganda sa It's Showtime.


Matatandaang isa si Vice Ganda sa mga Pinoy celebrity na tumangkilik sa Miss Universe kaya naman inaabangan ng mga netizen ang reaksyon ni Vice Ganda sa tuwing gaganapin ang Miss Universe.


Samantala, nag-promote din si Vice Ganda na mapapanood ang Miss Universe 2023 sa ilang family channels, excited ang audience sa gagawin ni Michelle Dee.


Ganoon din ang ginagawa ni Vice Ganda at ng kanyang mga kaibigan sa public viewing.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento