Advertisement

Responsive Advertisement

AiAi Delas Alas, Sinermunan si GF ni Carlos Yulo: 'Wala Ka pang Karapatan Umastang Asawa!

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 


Nagbigay ng matapang na paalala ang batikang komedyante na si AiAi Delas Alas kay Chloe San Jose, kasintahan ng kilalang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo, kaugnay sa mga balitang pang-aasar umano nito sa ina at pamilya ni Carlos.


Sa isang eksklusibong panayam, diretsahang pinayuhan ng Comedy Queen si Chloe na maging mabait at magalang sa mga magulang ni Carlos, partikular sa ina nito, dahil ayon kay AiAi, wala pa siyang karapatan o "K" para umastang parang asawa.


"Nanay 'yan e. Kung wala 'yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, 'wag mo siyang aawayin. At saka hindi ka pa asawa, girl, girlfriend ka pa lang. 'Pag asawa ka na, pwede. Pero 'pag girlfriend, girl, 'wag mo munang awayin kasi alam mo naman ang mga mommy, 'di ba? Isa 'yan sa way na magiging harmonious ang relationship," ani AiAi.


Binigyang-diin din ni AiAi ang kahalagahan ng respeto, lalo na sa mga magulang ng kasintahan. "Dapat parati kang may 'po' at 'opo.' Magalang ka dapat sa mga magulang ng asawa mo. Dapat i-respect mo," dagdag niya.


Ang nasabing pahayag ay tila direkta para kay Chloe, lalo na sa gitna ng mga isyung lumalabas tungkol sa umano'y hindi magandang relasyon nito sa ina ni Carlos. Sa kabila ng mga isyu, ipinapaalala ni AiAi na ang maayos na relasyon sa pamilya ng kasintahan, partikular sa mga magulang, ay susi sa isang harmonious na pagsasama sa hinaharap.


Maraming netizens ang pumuri sa payo ni AiAi, lalo na’t kilala siyang isang mapagmahal na ina at asawa, na may malalim na karanasan sa mga ganitong sitwasyon. Sa kabilang banda, patuloy na inaabangan ng publiko kung ano ang magiging tugon ni Chloe sa mga payo ng Comedy Queen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento