Ibinahagi ng beteranong aktor na si Albert Martinez ang kanyang saloobin tungkol sa pagpapakalat ng personal na problema o alitan sa social media. Sa isang panayam, ipinaalala ni Albert na dapat magkaroon ng limitasyon ang mga netizens pagdating sa mga bagay na ibinabahagi nila online, lalo na ang mga personal na isyu.
Ayon kay Albert, bagama’t naiintindihan niya na may mga tao na gumagamit ng social media para ilabas ang kanilang mga saloobin, hindi ito dapat gawin sa mga pampublikong platform. Aniya, ang mga alitan at problema sa pamilya o mga kapitbahay ay hindi nararapat ipost sa social media, dahil maaari itong magdulot ng mas malaking problema.
"Siguro hindi na dapat ‘yung mga angst ninyo with your family, with your neighbors ay ilalagay mo sa social media. But I know a lot of people who does that," wika ni Albert.
Binanggit din ng aktor na ang social media ay dapat gamitin sa mas positibong paraan, tulad ng pagbabahagi ng mga magagandang karanasan o trabaho, imbes na gawing lugar para sa mga negatibong emosyon at problema. Para kay Albert, mahalaga ang pagkakaroon ng tamang desisyon at pag-iingat sa mga bagay na inilalathala online, lalo na’t malaki ang epekto nito sa publiko at sa personal na relasyon.
Sa kasalukuyan, mas maraming netizens ang nagiging bukas sa pagbabahagi ng kanilang personal na buhay sa social media, at ang pahayag ni Albert ay isang paalala sa mas responsableng paggamit ng mga platform na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento