Advertisement

Responsive Advertisement

Andrew E., Wala Pag Pagsisisi Sa Hit Song Na "Humanap Ka Ng Panget" Sa Kabila Ng Mga Batikos!

Biyernes, Setyembre 13, 2024

 


Sa kabila ng mga batikos na natatanggap mula sa ilang sektor, nananatiling matatag si Andrew E. at walang pagsisisi sa pagtanghal ng kanyang mga tanyag na kanta, partikular na ang kontrobersyal na “Humanap Ka ng Panget.” Sa loob ng 34 na taong karera sa industriya ng musika, ipinagmamalaki ng rapper na siya mismo ang nagsulat ng lahat ng kanyang mga kanta, mula sa mga liriko hanggang sa mismong musika. Para sa kanya, bawat kanta na kanyang nilikha ay personal na pinili at pinag-isipan.


“Oh, wala! Kasi, ano… hindi maiaalis na with an Andrew E., for 34 years, wala naman po akong kinuha na lyrics writer ko or music writer ko. So, every song, choice of song, choice of lyrics, came from me. So you know, in reverse… Hindi ko puwedeng sabihin na sinisisi ko yung sarili ko dahil pinili ko yun,” paliwanag ni Andrew E.


Ang kantang "Humanap Ka ng Panget," na inilabas noong dekada 90, ay agad na naging kontrobersyal ngunit pumatok sa masa. Ayon kay Andrew E., 80 porsyento ng mga Pilipino ay nakaugnay sa mensahe ng kanta, at dahil dito, naging mahalaga ito para sa kanila. "Eighty percent ng Pilipinas ay panget kaya nung narinig nila yung kanta, 80 percent ng Pilipinas, nagbunyi... Tumaas yung value nila. Kaya nagpasalamat sa akin ang lipunan," aniya.


Bagama’t may mga kritiko na sinasabing mababaw o negatibo ang mensahe ng kanta, nanindigan si Andrew E. na ang kanyang musika ay para sa mas nakararaming Pilipino. Hindi niya ininda ang mga kritisismo dahil para sa kanya, mas mahalaga ang positibong epekto nito sa mga tao.


Ang "Humanap Ka ng Panget" ay patuloy na tinatangkilik ng maraming Pilipino at nananatiling bahagi ng kasaysayan ng Original Pilipino Music (OPM).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento