Nagulantang ang mga netizens nang magsimulang magtanong tungkol sa katotohanan sa likod ng mga parangal na natanggap ni Angelica Yulo, ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Kamakailan lamang, noong Oktubre 5, 2024, itinanghal si Mommy Angelica bilang 'Most Exceptional Woman of the Year' ng Asia’s Man & Woman of the Year Excellence Award, ngunit naging palaisipan sa marami kung ang parangal na ito ay may kaakibat na bayad.
Ayon sa pahayag ng Asia’s Man & Woman of the Year Excellence Award, si Angelica Poquiz Yulo ay kinilala dahil sa kanyang pagiging isang ulirang ina at asawa, na nagpakita ng walang pag-iimbot na pagmamahal, lakas, at dedikasyon sa kanyang pamilya. “Angelica Poquiz Yulo is a proud mother and wife. She will be recognized in her remarkable journey as a compassionate, selfless, and devoted mother, embodying the true essence of being a woman in her unwavering love, strength, and dedication to her family have made her an inspiration to mothers everywhere,” pahayag ng awarding body.
Sa kabila ng magagandang salitang ipinahayag ng awarding body, isang netizen ang nag-imbestiga at natuklasan na diumano’y nag-aalok ng parangal ang nasabing organisasyon kapalit ng pera. Ang naturang netizen, na nagngangalang Espiritu, ay nagbahagi ng isang larawan kung saan makikita ang diumano’y "package" na kinakailangang bayaran ng mga sponsor upang makilala at mabigyan ng award.
Ayon sa larawan, ang mga minor sponsor ay kailangang magbayad ng P50,000 upang mabigyan ng pagkilala at isang full-page colored ad kasama ang dalawang libreng hapunan sa awarding ceremony. Samantalang ang mga basic sponsors naman ay dapat magbayad ng P30,000 kapalit ng parangal, isang libreng hapunan, at iba pang benepisyo.
Nadiskubre din sa pag-imbestiga na ang nasabing awarding body ay dating tinawag na ‘Woman of the Year Excellence Award’ at nagpalit lamang ng pangalan upang maging ‘Asia’s Man & Woman of the Year Excellence Award.’ Nabuo ang kanilang Facebook page noong 2021 at napansin ng netizens na ito ay naging aktibo lamang tuwing may ginaganap na awards night isang beses kada taon.
Dahil sa mga impormasyong lumabas, maraming netizens ang nagdududa ngayon kung totoo nga bang may bayad ang mga parangal na ibinibigay ng Asia’s Man & Woman of the Year Excellence Award. May ilan na nagtanong kung patas at lehitimo ba ang pagbibigay ng award, o kung isa lamang itong paraan upang kumita ng pera mula sa mga nais makilala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento