Nagulantang ang mga tagasubaybay ng 'Toni Talks' matapos ang biglaang pagkakabura ng episode kung saan tampok ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ang kanyang nobya na si Chloe San Jose. Ang nasabing episode ay naging isa sa mga inaabangan ng mga netizens, kaya’t hindi nakapagtataka na marami ang nagulat at nadismaya sa biglaang pagkawala nito sa YouTube.
Ayon sa mga netizens na bumisita sa Toni Talks channel, ang episode ay tinanggal dahil sa paglabag sa copyright rules matapos gumamit umano ang show ng ilang footage na pagmamay-ari ng International Olympic Committee (IOC). Dahil dito, agad na na-flag ang video at inalis ng YouTube upang masunod ang patakaran ng copyright infringement.
Ang International Olympic Committee ay kilalang mahigpit sa pagprotekta sa kanilang mga eksklusibong footage, kaya’t hindi kataka-taka na agad nilang pinatanggal ang video ng Toni Talks na gumamit ng kanilang materyal nang walang pahintulot.
Matapos ang ilang oras ng isyu at talakayan sa social media, nagdesisyon ang Toni Talks team na i-reupload ang nasabing episode ngunit may mga pagbabago upang maiwasan ang paglabag sa copyright rules ng IOC. Inaasahang tatanggalin nila ang mga bahagi ng video na naglalaman ng mga footage mula sa International Olympic Committee upang masigurong hindi na ito muli pang mabubura.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento