Si Dr. Richard Mata, isang kilalang celebrity pediatrician at content creator, ay nagbahagi ng kanyang opinyon ukol sa desisyon ng isang sikat na brand ng powdered drink na piliin si Filipino pole-vaulter EJ Obiena bilang kanilang endorser sa halip na si Carlos Yulo, ang two-time Olympic gold medalist. Ayon kay Dr. Mata, ang nasabing desisyon ay nakabatay sa target market ng brand, na karamihan ay binubuo ng mga ina o magulang.
Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ni Dr. Mata, "Bakit hindi si Carlos Yulo? Netizens, nagtanong sa pagkilala ng MILO kay EJ Obiena." Sumagot siya ng, "Answer: Dahil alam ng Milo na ang bumibili ng Milo ay mga Nanay, hindi mga girlfriends."
Maaaring tinutukoy ni Dr. Mata ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Carlos Yulo, partikular na ang naging sagutan ng kanyang nobyang si Chloe San Jose sa mga magulang ni Carlos. Si Chloe ay kilala sa kanyang mga pahayag laban sa konsepto ng "utang na loob" na pilit umanong ipinapasa sa kanila ng pamilya Yulo.
Matatandaang si Carlos ay kasalukuyang humaharap sa isang kontrobersya matapos akusahan ang kanyang mga magulang ng pagpupuslit ng cash incentives na kanyang napanalunan mula sa mga kompetisyon. Gayunpaman, mariing itinanggi ito ng mga magulang ni Carlos at ipinaliwanag na ginamit nila ang pera hindi para sa sarili nilang kapakinabangan, kundi upang tiyakin ang magandang kinabukasan ng kanilang anak.
Samantala, si EJ Obiena ay patuloy na nananatiling positibo ang imahe sa publiko dahil sa kanyang magandang ugali at pagtutok sa kanyang karera. Kahit hindi siya nanalo ng medalya sa ilang mga kumpetisyon, kinilala pa rin siya ng nasabing brand at inorganisa pa ang isang homecoming para sa kanya.
Para kay Dr. Mata, ang desisyon ng brand na piliin si EJ bilang endorser ay nakabatay hindi lamang sa kanyang mga tagumpay sa sports kundi pati na rin sa positibong imahe na ipinapakita niya sa publiko at sa kanyang mga tagahanga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento