Ibinandera ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kanyang bagong Spain residency card sa Instagram, isang milestone na nagpapakita ng kanyang legal na pagiging residente ng bansa. “Finally got to pick up my residency card!” ani Bea sa kanyang post, kung saan kitang-kita ang kanyang kasiyahan habang hawak ang nasabing card. “Reason why I went to Madrid,” dagdag pa niya.
Bilang isang legal na residente ng Spain, marami nang benepisyong makakamtan si Bea, kabilang ang kakayahang mag-travel sa mga Schengen areas ng European Union kahit walang visa. Bukod dito, maaari na rin siyang magtrabaho sa iba’t ibang bahagi ng Europe at mag-apply para sa Spanish citizenship sa hinaharap.
Hindi lamang si Bea ang makikinabang sa kanyang residency status, kundi pati na rin ang kanyang ina na si Mary Anne Ranollo, na maaaring mag-enjoy sa parehong mga benepisyo.
Ang eligibility ni Bea para sa residency status ay naging posible matapos siyang bumili ng isang P29.5 milyong apartment sa Madrid noong 2022. Sa kanyang vlog noong nakaraang taon, isinapubliko ni Bea ang ilang mga larawan at impormasyon tungkol sa kanyang bagong property na matatagpuan sa Chamberí, isang kilalang residential neighborhood sa Madrid.
Ayon kay Bea, lagpas man sa kanyang budget ang presyo ng apartment, hindi niya napigilang bilhin ito dahil sa ganda ng interior design. “I really liked the material that was used dun sa entire apartment. Alam ko na hindi sub-standard ‘yung materials na ginamit and I like the design of it all,” pagbabahagi ng aktres.
Isang inspirasyon si Bea Alonzo sa marami, hindi lamang sa kanyang mga tagumpay sa industriya ng showbiz, kundi pati na rin sa kanyang pagsusumikap na makamit ang kanyang mga personal na pangarap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento