Isang madamdaming appreciation post ang ibinahagi ng aktres na si Bea Binene matapos ang kanyang mainit na pagkikita at pagtanggap mula kay dating Vice President Leni Robredo sa kanilang pagdalaw sa Naga City, Camarines Sur. Ayon kay Bea, sinadya niya talagang makita si Leni sa kanyang pagbisita sa Naga, at hindi niya pinalampas ang pagkakataong makasama ang dating pangalawang pangulo ng bansa.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Bea ang kanyang excitement sa pagkikita nila ni Leni Robredo at nagbahagi ng mensaheng: “Not leaving Naga without seeing you, @lenirobredo,” na tila nagpapatunay kung gaano ka-importante sa kanya ang pagkakataong makapiling ang dating bise presidente.
Bukod sa mainit na pagtanggap, ipinagmalaki rin ni Bea ang lunch treat na inihanda ni Leni para sa kanila. “Thank you for lunch and for making time despite your veeery busy schedule. Huhu. Always so nice to catch up even though we don’t see each other that much. Happy I got to see more of Naga, that you love and care for,” saad ng aktres sa kanyang post.
Aminado si Bea na mula pa noong nagsimula siyang mag-volunteer para kay Leni Robredo noong 2016, nananatili ang kanyang paghanga at "kilig" tuwing nagkikita sila. “Ever since I volunteered way back 2016 until now, I still get starstruck and kilig whenever we see each other. Ever humble, ever maaasahan, always a text away, and it always feels like I’ve found another mother in you. 🥹 Love you always! You know the rest 💖 @atty.lenirobredo,” pagbabahagi ni Bea.
Ipinapakita ng aktres ang kanyang pagpapahalaga at pagmamahal sa dating bise presidente, at ang pagturing sa kanya bilang isang pangalawang ina. Marami ang humanga sa pagiging totoo at sincere ni Bea sa kanyang pagsuporta kay Leni, na nagbigay din sa kanya ng pagkakataon upang makasama ang pamilya ni Leni Robredo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento