Advertisement

Responsive Advertisement

'Beautiful Choice' Ang Paglayo Sa Social Media' Dimples Romana, Todo Suporta Sa Pananahimik Ni Angel Locsin Sa Showbiz

Huwebes, Setyembre 19, 2024

 



Suportado ng aktres na si Dimples Romana ang desisyon ng matalik niyang kaibigan na si Angel Locsin na magpahinga mula sa showbiz at social media. Ibinahagi ni Dimples ang kanyang opinyon hinggil sa tahimik na pamumuhay ni Angel.


Ayon kay Dimples, maganda ang desisyon ni Angel na pansamantalang hindi maging aktibo sa social media. Sa panahon ngayon, kung saan maraming negatibong balita, nakakatulong umano ang pagdistansya ni Angel mula rito upang mapanatili ang kanyang privacy at magkaroon ng oras para sa sarili.


“Hindi siya nagso-social media. I think it is a wonderful choice, because ngayon din, di ba, a lot of the news are also… Ako nga, sometimes when I watch the news, I feel anxious. I feel worried for the future. So, it’s nice that she’s taking this time off for herself. Beautiful choice,” ani Dimples.


Naging maingat naman si Dimples sa pagbabahagi ng mga detalye tungkol kay Angel, at bagama’t tila alanganin siyang magbigay ng maraming impormasyon, masaya niyang ikinuwento ang kanilang huling pagkikita. Aniya, nakita niya si Angel sa isang meal na magkasama silang nagdiwang ng kaarawan ni Angel noong April 23.


“Naku! Ako na naman ang representative… I have yet to check on her, but last time naman po, she’s happy. We had a meal together… it was her birthday. Tapos yun, nagkikita naman kami. And then, I get to talk to her naman,” dagdag pa niya.


Masaya si Dimples na makita ang kanyang kaibigan na tahimik at kontento sa kanyang buhay, at naniniwala siyang ang desisyon ni Angel na bigyan ang sarili ng oras at espasyo ay isang magandang hakbang para sa kanyang kalusugan at kasiyahan.


Matatandaang mula pa noong 2022 ay bihira nang magpakita sa publiko si Angel, at sa kabila ng pagtatanong ng marami kung kailan siya muling magbabalik, tila mas pinipili ni Angel na manatiling pribado at malayo sa spotlight.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento