Ibinahagi ng aktres na si Belle Mariano ang isang makabuluhang tagumpay sa kanyang buhay matapos siyang magtapos ng senior high school. Si Belle ay nagtapos sa Homeschool Global Philippines, kung saan siya nag-enroll sa kanilang home school program. Sa kabila ng kanyang abalang schedule bilang artista, matagumpay niyang naipagpatuloy ang kanyang edukasyon.
Sa isang Instagram post noong Sabado, nagbahagi si Belle ng mga larawan mula sa kanyang graduation ceremony, kasabay ng isang inspirasyonal na mensahe tungkol sa kanyang tagumpay. “Before entering the industry, I promised myself and my parents that I’d do my best to live the best of both worlds: pursuing my career and balancing it with school at the same time,” ani ng aktres.
Inamin ni Belle na hindi naging madali ang kanyang paglalakbay sa pagsabayin ang kanyang pag-aaral at karera. Ayon sa kanya, kinailangan niyang maglaan ng maraming oras, madalas na nagpupuyat at umiinom ng maraming tasa ng kape upang makamit ang kanyang mga academic goals. “Two years ago, I decided to continue pursuing my academics once again. I could say it wasn’t an easy journey 😆—all the nights of staying up late, endless cups of coffee ❤️, and trying to make it before the deadline. I finally made it,” dagdag pa niya.
Ang pagtatapos ni Belle sa senior high school ay isa lamang sa kanyang mga tagumpay ngayong taon. Noong Hulyo, matagumpay niyang ginanap ang kanyang birthday concert na "Believe," na naging isang mahalagang milestone sa kanyang karera bilang isang rising star sa industriya ng entertainment. Sa kanyang talento at determinasyon, patuloy na nagpapatunay si Belle na kaya niyang pagsabayin ang kanyang mga pangarap sa edukasyon at showbiz.
Maraming fans at tagasuporta ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa dedikasyon ni Belle sa parehong karera at edukasyon, na nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan na balansehin ang kanilang mga pangarap at mga responsibilidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento