Sa wakas, inanunsyo na ng Quantum Films ang buong cast ng kanilang inaabangang horror film na Espantaho noong Miyerkules ng gabi, Setyembre 11, 2024. Ang pelikulang ito ay inaasahang magiging isang malaking proyekto dahil ito sana ang unang pagkakataon na magkakasama sina Vilma Santos at Judy Ann Santos sa isang pelikula.
Ang pelikula, na orihinal na plano ay magtatampok ng powerhouse cast ng mga Santos Vilma, Judy Ann, at Charo Santos ay naging usap-usapan sa industriya. Gayunpaman, hindi na natuloy ang pagsasama ng tatlong batikang aktres sa pelikula.
Dati nang ipinahayag na tinanggap na ni Vilma Santos ang isang proyekto mula sa Mentorque Productions, ngunit nagpahayag din siya ng interes na gawin ang Espantaho. Dahil dito, nagkaroon ng mga pagbabago sa plano, at hindi na natuloy ang casting ni Ate Vi sa nasabing proyekto.
Dahil kinakailangan nang magsimula ang produksyon ng Quantum Films, napilitan silang baguhin ang lineup ng cast. Sa halip na si Vilma Santos, si Lorna Tolentino ang ipinalit sa papel na orihinal na para sa "Star for All Seasons."
Sa kabila ng mga pagbabago, mataas pa rin ang inaasahan ng mga tagahanga sa Espantaho, lalo na't ang pelikulang ito ay magtatampok ng isang de-kalibreng cast at isang nakakakilabot na kwento na tiyak magpapahiyaw sa mga manonood.
Habang marami ang nanghihinayang sa hindi natuloy na pagsasama nina Vilma, Judy Ann, at Charo Santos, nananatiling mataas ang excitement sa magiging resulta ng pelikulang ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento