Advertisement

Responsive Advertisement

Carlos Yulo, Binatikos Dahil Sa Pagsuot Ng Crop Top! Pero Mga Tagasuporta, Todo Depensa Sa Olympic Gold Medalist!

Biyernes, Setyembre 27, 2024

 


Nagbigay ng suporta ang mga tagahanga ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos itong makatanggap ng negatibong komento sa social media dahil sa pagsusuot niya ng crop top. Sa nasabing post, ipinakita ni Carlos ang kanyang matching outfit o "twinning" kasama ang kanyang nobyang si Chloe San Jose, na agad namang umani ng batikos mula sa ilang netizens.


Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng publiko matapos niyang magbahagi ng larawan na suot ang crop top na kapareho ng suot ng kanyang kasintahan. Ang simpleng post na ito ay agad naging sentro ng diskusyon, kung saan marami ang nagbigay ng negatibong komento at pumuna sa kanyang pananamit.


Hindi nagpatinag ang mga tagasuporta ni Carlos at agad na ipinagtanggol ang Pinoy gymnast laban sa mga kritiko. Sa kabila ng mga panglalait na natanggap ni Carlos, ipinakita ng kanyang fans ang kanilang buong suporta at pag-unawa, iginiit na may karapatan si Carlos na magsuot ng anumang damit na nais niya. Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga tagasuporta:


"Jusko lahat nalang pinapasansin! Buhay nila yan, katawan nila yan! Kahit anong isuot nila, go lang! Get a life, people!"

"Pati pananamit niya pinatulan na rin ng mga walang magawang bashers."

"Wala na talaga kayong magawa sa buhay, lahat na lang pinupuna."


Marami rin ang nagpahayag na hindi dapat maging hadlang ang kasarian o mga stereotype sa kung anong pananamit ang nais suotin ng isang tao. Para sa kanila, ang mahalaga ay ang kalayaan ni Carlos na ipahayag ang kanyang sarili at ang kanyang kagustuhan sa istilo ng pananamit.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento