Advertisement

Responsive Advertisement

Carlos Yulo, Binuksan Ang Puso Sa Kontrobersyal Na Isyu Kasama Ang Magulang: 'Napatawad Ko Sila!'

Martes, Setyembre 24, 2024

 





Sa panayam, bagaman tumanggi si Carlos na ibahagi ang mga detalye ng kanilang alitan, nilinaw niya na napatawad na niya ang kanyang mga magulang at humingi na rin siya ng tawad sa Diyos. "Hindi na din po para malaman ng buong sambayan kung ano ‘yung nangyari, basta alam ko sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila," ani ni Carlos. Dagdag pa niya, "Inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako, kinarma ako, kasi mali nga naman na sabihan ko sila ng ganon."


Ipinahayag din ni Carlos ang kanyang damdamin na naging emosyonal siya sa sitwasyon at nais lamang niyang ipaglaban ang kanyang sarili at ang kanilang relasyon bilang pamilya. "Alam ko ‘yung mali ko, tinanggap ko ‘yon, pinagdasal ko ‘yon kay Lord, humingi ako ng tawad," dagdag niya.


Sa kabila ng pagkawala ng koneksyon sa kanyang pamilya, ipinagpapasalamat ni Carlos ang pagkakaroon ng mga bagong tao sa kanyang buhay na tunay na nagmamahal at sumusuporta sa kanya. "Binigayan niya ako ng mga tao na totoong magmamahal sakin, totoong susuportahan ako na kahit manalo o matalo nandiyan sila," ani Carlos. "Kasama ko silang umiyak noong hindi ako nanalo sa World Championships, kasama ko rin silang umiyak noong nanalo ako sa Olympics," ani pa niya.


Sa kasalukuyan, wala pang pahayag mula sa kampo ng pamilya Yulo tungkol sa panayam ni Carlos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento