Ipinahayag ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang kanyang mga plano para sa mga napanalunang premyo, partikular na ang hangaring magbigay ng suporta sa mga batang nais sumabak sa gymnastics. Sa isang panayam, ibinahagi ni Carlos ang kanyang intensyon na gamitin ang bahagi ng kanyang mga napanalunan upang makatulong sa mga kabataang nangangarap maging matagumpay sa larangan ng gymnastics, katulad niya.
Ayon kay Carlos, mahalaga ang tamang paghawak sa mga premyong kanyang natanggap, lalo na’t alam niyang hindi siya magiging atleta habambuhay. “I'm going to save it and invest also,” ani Carlos. “I'm not a forever athlete po. I have to take care of my personal life also and balance it.”
Sa kabila ng mga tagumpay at pagkilala na kanyang natanggap, nananatiling grounded si Carlos at iniisip ang kanyang kinabukasan. Aniya, nais niyang magkaroon ng balanse sa kanyang buhay bilang atleta at personal na buhay, upang masiguro ang mas maayos na hinaharap. Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit P130 milyon ang natanggap ni Carlos mula sa iba’t ibang indibidwal at grupo matapos niyang makamit ang dalawang gintong medalya sa mga prestihiyosong kumpetisyon.
Sa pamamagitan ng mga premyong ito, layon ni Carlos na maglaan ng tulong at inspirasyon sa mga batang atleta na nangangarap din magtagumpay sa larangan ng gymnastics. Ang kanyang kwento ng tagumpay ay patunay na hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa iba ang kanyang tagumpay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento