Sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa larangan ng gymnastics, ibinahagi ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na mas pinipili niya ang isang simpleng buhay na malayo sa limelight. Sa isang eksklusibong panayam ng Olympics.com sa adidas House Paris, ibinahagi ni Carlos ang kanyang pananaw sa buhay, kasikatan, at mga pangarap para sa hinaharap.
“I prefer a quiet life, honestly, but I can’t avoid people recognising me because of the honour I was able to bring to our country,” ani ni Carlos sa panayam. Dahil sa kanyang tagumpay at pagdadala ng karangalan sa Pilipinas, hindi na maiiwasan na makilala siya ng maraming tao. Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Carlos na tinatanggap niya ang atensyon at pagkilala ng publiko bilang bahagi ng kanyang tagumpay. “It’s really part of the deal that a lot of people will notice me. It’s still a blessing in my life, so I’m still very thankful and grateful,” dagdag pa niya.
Ang kanyang pagiging mapagpakumbaba at pagpapahalaga sa simpleng buhay ay patunay na sa kabila ng kasikatan, nananatiling grounded si Carlos at patuloy na pinapahalagahan ang kanyang sarili at mga taong sumusuporta sa kanya.
Ayon kay Carlos, bagamat nagpapasalamat siya sa lahat ng tagumpay na naabot niya, ang kanyang atensyon ngayon ay nakatuon sa paghahanda para sa susunod na cycle ng Olympics. “I’m more focused on the next cycle of the Olympics. It will be a greater experience for me because I want to defend that title that I won [here] in the next cycle,” ani ni Carlos. Nais niyang patunayan sa lahat na karapat-dapat siya sa mga gintong medalya na kanyang napanalunan at ipakita ang kanyang buong kakayahan sa bawat kompetisyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento