Advertisement

Responsive Advertisement

Chloe San Jose, Hindi Napigilan Ang Sama Ng Loob Sa Ginawa Ni Angelica Yulo: 'Bakit Ang Sariling Dugo Pa Ang Nauunang Mag-down Sa'yo?'

Martes, Setyembre 24, 2024

 


Chloe San Jose, nobya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, ay nagbigay na ng kanyang komento tungkol sa kontrobersyal na isyu na kinasasangkutan ni Angelica Yulo, ina ni Carlos. Ang usapin na ito ay nag-ugat matapos mag-viral si Angelica sa social media nang mas paboran niya ang Japanese gymnast na si Shinnosuke Oka, na nanalo sa all-around final ng 2024 Paris Olympics, imbis na ang kanyang sariling anak.


Sa isang panayam kasama si Toni Gonzaga, inamin ni Chloe na labis siyang nasaktan nang malaman ang nasabing post ni Angelica. Aniya, hindi niya maisip kung paano nagawa ni Angelica na suportahan ang kalaban ng sarili niyang anak, lalo na't ina ito ni Carlos.


“Syempre nasasaktan po ako kasi it happened to me na, so I know how it feels like na your own blood is like parang putting you down. Yeah, family first pero family should be the first ones also na sinusuportahan ka, pinoprotektahan ka, so why is the opposite?” emosyonal na pahayag ni Chloe.


"Sila ‘yung nauunang mag-down sa’yo, sila ‘yung una na hindi naniwala sa’yo. So why is that?” dagdag pa niya, na nagpapahayag ng kanyang pagkadismaya sa naging kilos ni Angelica.


Matatandaang nagbigay na ng pahayag si Angelica sa isyung ito at humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa. Pinabulaanan din niya na sinusuportahan niya ang kalaban ni Carlos sa Olympics. Gayunpaman, patuloy pa rin ang diskusyon at opinyon ng publiko hinggil sa isyung ito, lalo na’t naging simbolo na ito ng mas malalim na usapin tungkol sa ‘utang na loob’ culture sa pagitan ng pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento