Advertisement

Responsive Advertisement

Chloe San Jose, Matapang Na Sinagot Ang Mga Mapanirang Komento Ng Netizens - Alamin Ang Kanyang Matapang Na Sagot!

Sabado, Setyembre 21, 2024

 



Hindi nagpatinag si Chloe San Jose sa mga negatibong komento ng ilang netizens matapos niyang ibahagi ang isang larawan nila ni Carlos Yulo mula sa kanilang biyahe sa South Korea. Sa kabila ng mga mapanirang pahayag, matapang at may sentido komon na hinarap ni Chloe ang mga ito, ipinapakita ang kanyang kakayahang manatiling kalmado at hindi magpaapekto sa mga mapanirang salita.


Isang netizen ang nagkomento ng masakit na pahayag, "Di ka naman nahihiya ikaw yung nag papakasasa sa pera ni Caloy, ang kapal din ng mukha mo no kasing kapal ng hallow blocks." Matapang itong sinagot ni Chloe, “Gawain mo siguro yan, mag pakasasa sa pera ng iba… Ganyan talaga siguro mag salita yung mga people who don’t know how to earn their own money and ginagamit ibang tao as investment for their own leisure.”


Isa pang netizen ang nag-akusa na tila tinalikuran na ni Chloe ang pamilya ni Carlos Yulo dahil hindi raw nito nagawang itreat ang mga ito, gaya ng isang lechon. Sagot ni Chloe, “Okaaayyddtt toxic behaviour enjoyer—ikaw na lang, kaya mo na yan auntie! Gow gow gow.”


Sa kabila ng mga puna, nananatiling matatag si Chloe at pinapakita na hindi siya basta-basta magpapadala sa mga negatibong salita. Ang kanyang mga tugon ay naglalaman ng mga katotohanang ipinapaabot niya sa mga taong humuhusga sa kanya, sabay ipinapakita ang respeto sa sarili at sa kanyang relasyon kay Carlos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento