Advertisement

Responsive Advertisement

Chloe San Jose, Umamin Sa Balak Na 'enhancements'! Ginagamit Nga Ba Si Carlos Yulo Para Sa Pera?

Martes, Setyembre 17, 2024

 


Inamin ng internet celebrity na si Chloe San Jose, girlfriend ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na binabalak niyang sumailalim sa mga 'enhancements' upang lalong mapaganda ang kanyang hitsura. Ang kanyang pahayag ay kasunod ng mga akusasyon mula sa netizens na siya ay 'retokada' at ginagamit umano ang kanyang relasyon kay Carlos para sa financial gains.


Matagal nang pinag-uusapan sa social media ang mga akusasyong ito, lalo na matapos sabihin ni Chloe na si Carlos ay isang ‘gift giver.’ Marami sa mga netizens ang nagbibintang na si Chloe ay inaabuso umano ang pagiging generous ni Carlos, na ngayon ay tinatayang nakapag-ipon ng higit sa P150 milyon mula sa kanyang mga insentibo at premyo bilang Olympic gold medalist.


Sa isang komento mula sa isang netizen, tinawag siyang 'retokada' at sinabihan pa ng, “Yan ubusin mo million ni Caloy ritukada kna man lahat mukha kapa din bakla, sa sunod ugali mo na iparituki mo walang respito walang galang sa magulang."


Diretsahang sinagot ni Chloe ang komentong ito at itinangging siya ay sumailalim na sa anumang cosmetic procedures. "Sorry to say I’m not retokada at all lol – on my way though to get enhancements, stay tuned," sagot ni Chloe. Ipinahayag niya na wala pa siyang retoke ngunit balak niyang magpa-'enhance' ng kanyang hitsura sa hinaharap.


Bagama’t hindi pa malinaw kung sino ang sasagot sa gastos para sa kanyang mga planong enhancements, ang kanyang pag-amin ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. May ilan na nagpahayag ng suporta, ngunit marami rin ang patuloy na nagdududa sa kanyang intensyon at pinagsisismulan ng mga haka-haka.


Sa kabila ng mga batikos, nananatili si Chloe na matatag at patuloy na sinusuportahan si Carlos Yulo. Sa ngayon, walang malinaw na indikasyon kung maaapektuhan ng mga isyung ito ang kanilang relasyon, ngunit tiyak na patuloy silang magiging sentro ng atensyon ng mga netizens at tagahanga sa mga susunod na araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento