Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Diwata, ang sikat na personalidad sa social media, nang ipakita ang kanyang suporta sa kanyang sariling negosyo ang Paresan ni Diwata. Sa mga larawan na ibinahagi niya, makikitang siya na mismo ang lumalapit sa mga customers upang magpa-picture, bilang patunay na patuloy na dinudumog at tinatangkilik ang kanyang Paresan.
Sa kanyang post, diretsahan niyang pinuna ang mga bashers na nagsasabing humina na umano ang kanyang negosyo. Ngunit ayon kay Diwata, hindi ito totoo. Sa katunayan, araw-araw pa ring pinupuntahan ng maraming customers ang kanyang Paresan, at ang mga larawan na kanyang ibinahagi ay isang paraan para ipakita ang katotohanan.
Aniya sa kanyang caption:
"Yes, tama kayo ako nagpa-picture sa mga coztomer para ipakita din sa mga basher na sobra dami pa ng coztomer ng Diwata Pares araw-araw. Wala lang, nag-update lang ako. 🤣🤣🤣🤣."
Nagbigay ito ng kasiyahan at aliw sa mga tagahanga ni Diwata, na nagpahayag ng suporta at pagbati sa patuloy na tagumpay ng kanyang negosyo. Para kay Diwata, ang mga larawang ito ay hindi lamang patunay sa kanyang pagsusumikap kundi isang paalala na ang kanyang Paresan ay hindi lamang basta negosyo, ito rin ay isang lugar kung saan siya ay patuloy na nakakakuha ng suporta mula sa kanyang mga loyal na customers.
Maraming netizens ang natuwa sa pagiging totoo ni Diwata at sa kanyang pagpapakita ng kakayahang makitungo nang personal sa mga tao. Dagdag pa ng ilang followers, hindi lang ang lasa ng pares ang dahilan kung bakit tinatangkilik ng marami ang Paresan ni Diwata, kundi pati ang kanyang personalidad na hindi takot harapin ang mga kritiko.
Pakitangtao lang yan.
TumugonBurahinBabagsak din yan Lalo na mataas ang tingin nya sa Sarili...
Walang kwentang Tao yan..
Masamang pakikitungo sa mga customer s🤣🤣🤣🤣