Doc Willie Ong ay nagbigay ng seryosong babala at panawagan sa mga lider ng bansa. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kanyang nakita sa isang pangitain, na tinawag niyang "Final Call" para sa mga lider na handang magsilbi sa Pilipinas. Ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon ng pulitika at sa kanyang personal na karamdaman.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan din ni Doc Willie ang publiko at mga lider na huwag umasa sa mga tradisyunal na politiko. Marami na raw ang dismayado sa kasalukuyang sistema ng pulitika, at marami sa mga lider na ito ay tila natigil na sa bulok na sistema ng gobyerno.
sinabi ni Doc Willie na may pangitain siyang nakita na nagpapakita ng maraming Pilipinong lider na may kakayahan at katapatan para maglingkod sa bansa, ngunit tila pinipigilan ng mga takot. Ang takot na ito ay nagmumula sa maduming kalakaran ng pulitika, kakulangan ng pondo para sa kampanya, at takot na mapagtawanan o punahin ng iba.
Sa huli, ipinahayag ni Doc Willie ang kanyang paniniwala na sa kabila ng lahat ng mga balakid, ito na ang tamang panahon para sa mga tunay na lider na umusad at magsilbi sa bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento