Ibinahagi ni Dr. Willie Ong ang kanyang sama ng loob sa mga netizens na kumuwestiyon sa kanyang desisyon na tumakbo bilang opisyal sa nagdaang eleksyon. Hindi napigilan ni Dr. Willie, kilala bilang isang health advocate at cardiologist, ang kanyang emosyon habang ipinapahayag ang kanyang hinaing laban sa mga bumatikos sa kanyang hangaring magsilbi sa bayan.
Ayon kay Doc Willie, ang bawat hakbang na ginawa niya sa larangan ng pulitika ay para sa mga Pilipino, hindi para sa kanyang pansariling interes. "Hindi niyo naiintindihan kung gaano ko po kayo kamahal," emosyonal na pahayag ni Doc Willie. "Bawat takbo ko para po sa inyo, hindi para sa akin."
Isa sa mga bagay na binigyang-diin ni Dr. Willie ay ang katotohanang wala siyang ginastos o niloko noong panahon ng kanyang kampanya. "Unang campaign ko, wala akong gastos. Pangalawa, wala akong gastos. Wala akong niloko, wala akong inaway. Ano ginawa n'yo? Binashed nyo ako, niyo na ako ng binash," dagdag pa niya, na nagpapakita ng kanyang pagkalungkot sa negatibong reaksyon na kanyang natanggap mula sa ilan sa publiko.
Bilang isang respetadong doktor at tagapagtaguyod ng kalusugan, nanindigan si Doc Willie na ang kanyang layunin ay patuloy na makatulong sa mga Pilipino, kahit na labas ito sa pulitika. Ang kanyang malasakit sa kapwa ay naipapakita sa kanyang mga social media platforms, kung saan patuloy siyang nagbibigay ng mga payo at kaalaman ukol sa kalusugan, kahit pa hindi siya nakapwesto sa gobyerno.
Kahit na nagdaan si Dr. Willie Ong sa masakit na karanasan mula sa kanyang mga kritiko, nananatili siyang matatag sa kanyang misyon na maglingkod sa bayan. Patuloy niyang ipinapahayag na ang kanyang hangarin ay hindi para sa sariling kapakanan, kundi para sa ikabubuti ng nakararami.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento