Ikinagulat ng marami nang kumpirmahin ni Dr. Willie Ong, kilalang "Doktor ng Bayan," ang kanyang intensyon na muling tumakbo bilang senador sa darating na 2025 elections. Sa kabila ng kanyang kasalukuyang laban sa cancer, tila determinado si Dr. Willie na subukan muli ang pagtakbo para sa Senado upang maipagpatuloy ang kanyang adbokasiya para sa kalusugan ng bawat Pilipino.
Sa kanyang pahayag, inihayag ni Dr. Willie ang kanyang hangarin na magkaroon ng pagkakataon sa Senado upang matupad ang kanyang mga plano para sa kanyang mga kababayan. Kilala si Dr. Willie sa pagbibigay ng libreng medical advice at pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang mga social media platforms, at nais niyang ipagpatuloy ito sa mas malawak na saklaw bilang isang senador.
"Gusto ko tumakbo pero paano ka tatakbo? Ang sabi ng doktor ko, ‘Cannot. Hindi ka na makakahabol, you have no more time,’" pahayag ni Dr. Willie tungkol sa kanyang kondisyong pangkalusugan.
Sa kabila ng pagsabi ng kanyang doktor na hindi na niya kayang harapin ang pisikal na hamon ng kampanya, tila hindi nito mapipigilan ang determinasyon ni Dr. Willie na ipaglaban ang kanyang kagustuhan. Ayon sa ilang report, mataas pa rin ang kanyang pangalan sa mga survey, na nagpapakita ng suporta ng publiko sa kanyang planong pagtakbo sa 2025.
Dahil sa kanyang anunsyo, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko si Dr. Willie. Ang kanyang mga tagasuporta ay nagpahayag ng kanilang pagsuporta at paghanga sa kanyang tapang na ipagpatuloy ang kanyang misyon sa kabila ng kanyang personal na laban sa kalusugan. May ilan naman ang nagpayo kay Dr. Willie na unahin muna ang kanyang kalusugan bago sumabak muli sa mundo ng pulitika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento