Isang kontrobersyal na insidente ang nangyari kamakailan sa Singapore matapos mahuli ang dating empleyado na si Kandula Nagaraju, 39, isang Indian national, sa pagsasagawa ng isang malupit na paghihiganti laban sa kanyang dating kumpanya. Si Kandula, na dating empleyado ng National Computer Systems (NCS), ay nagdulot ng malaking pinsala sa kumpanya matapos burahin ang access credentials sa 180 servers, dahilan upang milyon-milyong halaga ang magastos upang maibalik ang sistema sa dati.
Si Kandula Nagaraju ay dating empleyado ng National Computer Systems sa Singapore, isang kumpanya na kilala sa mga serbisyo ng IT at pamamahala ng mga computer systems para sa iba’t ibang negosyo. Ngunit matapos ma-terminate sa kanyang posisyon, tila hindi natanggap ni Kandula ang pagkawala ng kanyang trabaho at binalak niyang gumanti sa kanyang dating employer.
Dahil sa kapabayaan ng kumpanya, hindi nila agad na binura ang access credentials ni Kandula sa kanilang 180 servers matapos ang kanyang pagtanggal sa trabaho. Gamit ang kanyang natitirang access, sinamantala ni Kandula ang pagkakataon upang maghiganti. Ayon sa ulat, planado ang kanyang ginawang pag-delete sa mga access sa servers, na nagdulot ng malubhang problema sa operasyon ng kumpanya.
Dahil sa kanyang mga ginawa, naharap si Kandula sa mga legal na kaso at maaari siyang makulong at pagbayarin ng malaking halaga bilang danyos sa pinsalang idinulot niya sa kumpanya. Ang kanyang ginawang aksyon ay itinuturing na isang cybercrime at isang seryosong paglabag sa batas ng Singapore.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento