Advertisement

Responsive Advertisement

Guro, Pumanaw Matapos Ang Konfrontasyon Sa Principal?! Principal Tumangging Magbigay-pahayag at Naglock Ng Social Media!

Miyerkules, Setyembre 25, 2024

 


Nagulantang ang komunidad ng mga guro at mag-aaral sa Davao de Oro matapos mabalitaan ang pagpanaw ng isang beteranong guro na si Marjorie Llanto Boldo noong Setyembre 19. Si Boldo, na nagsilbi ng 31 taon bilang guro, ay pumanaw umano dahil sa matinding stress na dulot ng umano'y komprontasyon sa pagitan niya at ng school principal na si Alvin Escobar.


Ayon sa ilang ulat, nakaranas ng matinding emosyonal na hirap si Boldo matapos siyang harapin ni Escobar kaugnay ng reklamo ng isang magulang. Sa mga araw bago siya pumanaw, ibinahagi pa ni Boldo sa kanyang class group chat ang kanyang pagkadismaya at hinanakit sa naturang insidente. Ang mga huling pahayag ni Boldo ay nagpakita ng kanyang pinagdaraanan, subalit nanatiling tikom ang bibig niya sa kanyang mga kamag-anak tungkol sa buong detalye ng konfrontasyon.


Dahil sa insidente, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) sa Davao de Oro upang matukoy ang buong katotohanan sa likod ng pangyayari. Sinabi ng DepEd na ipapatawag nila si Escobar para sa isang dayalogo upang alamin ang mga detalye sa nangyari noong tawagin niya si Boldo sa kanyang opisina.


Ayon sa pahayag ng DepEd Davao de Oro, "DepEd Davao de Oro always gives utmost respect and concern to all our learners, teachers, and non-teaching personnel. We assure the public that we are actively looking into the matter and will thoroughly conduct an investigation in a proper forum to address this concern."


Samantala, tumanggi namang magbigay ng anumang pahayag si Principal Alvin Escobar hinggil sa isyung ito. Ini-lock niya ang kanyang social media accounts upang umiwas sa kontrobersiya. Maraming netizens ang nagkomento tungkol sa kanyang pananahimik, at ang ilan ay hinihintay ang kanyang sagot sa mga akusasyon laban sa kanya.


Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin matanggap ng pamilya ni Marjorie Llanto Boldo ang biglaang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Ayon sa kanila, kahit na nagbahagi si Boldo ng ilang detalye ng kanyang hinanakit sa nangyaring komprontasyon, nanatili siyang tahimik sa buong kwento ng insidente sa kanyang mga kamag-anak. Ang kanyang pagkawala ay nagdulot ng matinding kalungkutan at tanong sa kanilang pamilya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento