Advertisement

Responsive Advertisement

Heart Evangelista, May Patama Kay Pia Wurtzbach? Viral Ang Kanyang 'Not Edited' Statement Para sa Milan Fashion Week!

Miyerkules, Setyembre 18, 2024

 



Usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si Heart Evangelista matapos mag-viral ang kanyang video na ipinapakita ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na Milan Fashion Week. Sa nasabing video, ibinahagi ni Heart ang mga posibleng OOTD (outfit of the day) na dadalhin niya sa prestihiyosong event. Bukod dito, ipinakita rin niya ang imbitasyon mula kay Kim Jones, ang Artistic Director ng Fendi.


"This is not edited," ani ni Heart sa video. Agad namang binigyan ng ibang kahulugan ng netizens ang pahayag na ito, na tila patama umano sa Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Kamakailan kasi, si Pia ay nakaranas ng kritisismo matapos mag-publish ng video na kuha diumano sa isang fashion show sa New York, ngunit napag-alaman na ito ay footage mula sa isang online magazine. Agad namang inamin ni Pia ang pagkakamali at kinredit ang nasabing magazine sa kanyang post.


Sa kabila ng mabilis na pag-amin ni Pia, may ilang netizens na inakusahan siya ng pagtatangkang linlangin ang kanyang mga tagasunod, na tila nagpapakita na naroon siya sa nasabing event.


Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-uusapan ang diumano'y tensyon sa pagitan nina Pia at Heart. Noong Agosto, napansin din ng ilang netizens na ipinasuot ni Heart sa kanyang alagang hayop ang isang kuwintas mula sa parehong brand na ineendorso ni Pia. Ang insidenteng ito ay muling nagpakulo sa mga espekulasyon na mayroong 'silent feud' ang dalawa.


Ang mga tsismis tungkol sa hidwaan ng dalawa ay unang umingay nang kunin ni Pia ang dating glam team ni Heart. Ayon sa ilang ulat, ibinahagi ng dating team ni Heart kay Pia ang mga koneksyon at contact ni Heart sa fashion industry, na sinasabing dahilan kung bakit biglaang naging aktibo si Pia sa fashion elite circle.


Gayunpaman, maraming tagahanga ni Pia ang hindi naniniwala sa mga tsismis na ito, at sinasabing ang pagiging Miss Universe 2015 ni Pia ay sapat na upang magkaroon siya ng access sa mga malalaking fashion houses sa buong mundo.


Bagama’t patuloy ang mga espekulasyon at intriga sa social media, parehong nananatiling tahimik sina Heart at Pia tungkol sa isyung ito, at patuloy na nagpapakita ng kanilang galing sa kani-kanilang larangan—si Heart sa fashion at si Pia sa kanyang mga proyekto bilang isang beauty queen at aktres.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento