Si Angelica Poquiz Yulo, ina ng sikat na Pinoy Olympian na si Carlos Yulo, ay malugod na tinanggap upang sumali sa beauty pageant na Mrs. Philippines 2025. Ang anunsyo ay ginawa mismo ni Erika Joy Santos, Presidente ng Mrs. Philippines Organization, sa isang kamakailang media conference.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ng Mrs. Philippines Organization ang mga kwalipikasyon na kinakailangan upang maging kandidato sa prestihiyosong patimpalak. Malapit na sa pagtatapos ng conference, isang reporter ang nagtanong kung kuwalipikado si Mrs. Angelica Yulo na sumali. Agad namang sinagot ni Ms. Santos na maaari itong sumali.
“I wish to speak to Angelica. Maybe I can, you know, be somehow a relief to her. Kahit coffee lang. She's very much welcome to join Mrs. Philippines 2025. Why not?” ani Ms. Santos.
Ang pahayag na ito ay nagdulot ng excitement sa marami, lalo na’t si Mrs. Yulo ay kilalang ina ng isang pambansang atleta na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas. Inaasahang marami ang susubaybay kung tuluyan nga bang sasali si Mrs. Yulo sa Mrs. Philippines 2025 at kung ano ang magiging kahihinatnan nito.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kay Mrs. Yulo tungkol sa alok na sumali, ngunit marami ang nagsasabing ang kanyang potensyal na pagsali ay tiyak na magdadala ng mas malaking atensyon sa pageant. Bukod sa pagiging ina ni Carlos Yulo, inaasahang magpapakita rin siya ng kanyang sariling kakayahan at kagandahan sa entablado ng Mrs. Philippines.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento