Sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ng isang alagang Aspin at isang kilalang restaurant sa Tagaytay, nagbigay ng opinyon si Atty. Wilfredo Garrido, na nagsasabing tama lamang na hindi pinapayagan ang mga alagang hayop sa loob ng mga restaurant.
Matatandaang nakatanggap ng matinding kritisismo ang Balay Dako sa Tagaytay matapos umalma ang isang kostumer tungkol sa hindi pagpapapasok ng kanilang alagang Aspin na si Yoda sa nasabing restaurant. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng malawakang diskusyon sa social media, kung saan nakakuha ng suporta ang kostumer mula sa mga netizens at mga grupong nangangalaga ng karapatan ng mga hayop.
Ngunit para kay Atty. Garrido, hindi dapat pinapayagan ang mga alagang hayop sa loob ng mga kainan dahil itinuturing niya itong hindi sanitary o malinis. Aniya, "Enough of these self-entitled folks who insist in bringing their pets inside restaurants. We don’t want to eat beside your dogs or cats or what you call your 'fur babies.' Or snakes or monkeys, for that matter. It’s simply unsanitary."
Dagdag pa niya, hindi raw komportable ang ibang mga kustomer na kumain sa tabi ng mga alagang hayop dahil sa posibilidad ng pagkalat ng mga balahibo, laway, o ingay na maaaring manggaling sa mga ito. "We don’t want to dine out with fur floating around or something slobbering or barking in the nearby tables. Or smelling something unpalatable. Or using plates or utensils that might have been touched in the slightest by the paws or bodily fluids of these critters," dagdag pa ni Garrido.
Ipinunto rin ng abogado na dapat hindi pumapasa sa sanitary inspection ang mga food establishments na nagpapahintulot ng mga alagang hayop sa loob ng kanilang mga lugar kainan. "Your place is worse than a hospital ward," ani Garrido, na binigyang-diin ang panganib na dulot ng pagkakaroon ng mga alagang hayop sa lugar kung saan may pagkain.
Ang post ni Atty. Garrido ay mabilis na nag-viral at nakakuha na ng daan-daang reaksyon mula sa mga netizens. Habang may ilang sumang-ayon sa kanyang pananaw, may ilan din na hindi pabor at ipinaglaban ang karapatan ng mga alagang hayop, lalo na sa mga self-proclaimed pet-friendly establishments.
Patuloy pa rin ang diskusyon ukol sa usaping ito, at tila hati ang mga opinyon ng publiko pagdating sa pagpapapasok ng mga alagang hayop sa mga pampublikong lugar gaya ng mga restaurant. Habang nakatuon ang ilan sa kalinisan at kaayusan, may mga nagtatanggol naman sa ideya na dapat maglaan ng espasyo para sa mga pet owners na gustong makasama ang kanilang mga alaga habang kumakain sa labas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento