Isang ina ang hinangaan ng marami sa kanyang natatanging tapang at tibay ng loob matapos siyang mawalan ng tatlong anak sa magkakasunod na taon. Siya si Lorelei, ina nina Rowden, Hasset, at Husham—magkakapatid na halos sunod-sunod na pumanaw dahil sa sakit na liver cancer.
Nagsimula ang lahat sa simpleng lagnat ng kanyang panganay na anak, si Rowden. Sa kanilang akala, isang karaniwang sakit lamang ito na madaling gagaling. Ngunit sa kanilang pagkabigla, nang magpakonsulta na si Rowden sa doktor, natuklasan nilang siya ay may stage 4 liver cancer. Hindi nagtagal, ilang linggo lamang pagkatapos madiskubre ang sakit, pumanaw si Rowden, na nag-iwan ng matinding kalungkutan at pangungulila sa kanilang pamilya.
Dahil sa nangyari sa kanyang panganay, nagpasya si Lorelei na ipa-check up ang dalawa pa niyang anak, si Hasset at Husham, upang matiyak ang kanilang kalusugan. Sa kasamaang-palad, pareho ring natuklasan na sila’y may liver cancer at nasa stage 3 na.
Sinubukan pa nilang ipa-opera si Hasset upang tanggalin ang tumor, at nagbigay ito ng pansamantalang pag-asa sa pamilya. Subalit, hindi nagtagal, muling tumubo ang cancer at sa huli, naglaho rin si Hasset.
Nangyari ang lahat ng ito habang ang kanilang bunsong anak na si Husham ay patuloy ding nakikipaglaban sa parehong sakit. Para kay Lorelei, ang pagkawala ng kanyang ikatlong anak ang pinakamabigat sa lahat. Napakasakit na unti-unting naglaho ang kanyang tatlong anak, na tila inubos na lahat ng kanyang pinanghahawakang pag-asa at kasiyahan sa buhay.
Sa kabila ng matinding pagsubok na pinagdaanan ni Lorelei, hindi siya bumitaw sa kanyang pananampalataya. Bagamat maraming pagkakataon na pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa kanyang kalungkutan, ang kanyang pagtitiwala at pagmamahal sa Panginoon ang nagsilbing ilaw sa gitna ng kanyang kadiliman. “Malaki ang pasasalamat ko dahil matagal ko nang kinilala ang Panginoon sa puso ko,” ani Lorelei. Ipinahayag niya na ito ang kanyang pinaghugutan ng lakas upang patuloy na harapin ang bawat araw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento