Nagsalita ang aktor at singer na si James Reid tungkol sa mga isyung kinakaharap ng kanyang record label, ang Careless PH. Isa sa mga pangunahing usapin ay ang pag-alis ng aktres na si Liza Soberano sa kanilang kumpanya, at ang pagkakadawit ng kanyang katrabaho na si Jeffrey Oh, dating manager ni Liza, sa isang isyu ng panloloko. Naiskam na mahigit 100 Milyong Piso si James Reid sa kanyang dating manager.
Ibinahagi ni James Reid na si Jeffrey Oh ay may utang sa kanya na umabot sa mahigit isang daang milyong piso. Ayon kay James, hindi pa kabilang dito ang halagang kinuha ni Jeffrey mula sa iba pang mga kumpanya na niloko rin nito. Ipinahayag ng aktor ang matinding stress at problema na idinulot ng sitwasyon, lalo na nang si Jeffrey ay naging in-charge sa isang music festival ng Careless PH sa Cebu.
Sinabi ni James na hindi siya inabisuhan ni Jeffrey tungkol sa mga kaganapan sa festival, lalo na sa mga sponsors, at nalaman na lamang niya ang buong sitwasyon dalawang araw bago ang concert. Dahil dito, napilitan siyang harapin ang halos buong gastusin para sa event, na ipinangako ni Jeffrey na babayaran siya ngunit hindi nangyari.
"He was the one in charge. Once again, kept me in the dark about all of the situation of the music festival, of all the sponsors and things like that. I didn’t find out until only two days before the concert that he didn’t actually close any of the sponsors so I ended up fronting almost the entire thing to which he promised to pay me back, which never happened," ani James.
Dagdag pa ni James, ito na marahil ang pinaka-stressful na bahagi ng kanyang karera, ngunit masaya siya na nawala na si Jeffrey sa kanilang kumpanya. "I think siguro yun yung pinaka-stressful moment of my career. But I mean, in the end of the day, I think his true colors showed and that he’s a fraud. I’m very happy that he’s gone now. And our entire team, our staff, everyone is a lot happier that he’s out of the picture. And things are starting to make sense. And things are actually going very well for me, for the company, for all the staff and it’s like good riddance," dagdag pa niya.
Samantala, ang pag-alis ni Liza Soberano mula sa Careless PH ay isa rin sa mga naging laman ng balita. Bagama’t wala pang pormal na pahayag si Liza tungkol sa kanyang pag-alis, tila nagkaroon ng pagkakaiba ng landas ang aktres at ang kumpanya matapos ang ilang taon ng pagiging bahagi nito. Ayon kay James, nirerespeto niya ang desisyon ni Liza at naniniwala siyang magkakaroon pa rin sila ng magandang ugnayan kahit hindi na sila magkasama sa trabaho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento