Advertisement

Responsive Advertisement

John Arcilla, Binanatan Ang 'utang Na Loob' Culture: 'responsibilidad Ng Anak Ang Alagaan Ang Magulang, Hindi Isang Obligasyon!'

Martes, Setyembre 24, 2024

 



Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang pananaw ang beteranong aktor na si John Arcilla tungkol sa ‘Utang na Loob’ culture na madalas na pinapairal sa pamilyang Pilipino. Para sa kanya, ang mga salitang "utang na loob" at "obligasyon" ay hindi angkop na gamitin pagdating sa pagtulong sa mga magulang na tumatanda.


Ayon kay John Arcilla, ang mga salitang ito ay hindi dapat nagiging pamantayan sa responsibilidad ng isang anak sa kanilang mga magulang. “’Utang na loob’ and ‘Obligasyon’ are wrong words pag ang usapan ay mga magulang na ating pinanggalingan. Hindi naman talaga utang na loob o obligasyon ang pag-aalaga o pagtulong sa mga tumatandang magulang dahil ito ay normal at natural na duty ng mga anak," saad ng aktor.


Ipinaliwanag ni Arcilla na gaya ng natural na responsibilidad ng mga magulang na alagaan, pakainin, at pag-aralin ang kanilang mga anak habang hindi pa nila kayang buhayin ang kanilang sarili, ganoon din ang dapat na maging tungkulin ng mga anak sa kanilang mga magulang kapag sila'y tumanda at nawalan ng kakayahang maghanapbuhay.


“Tama naman na responsibilidad yun ng mga magulang sa walang muwang na mga anak, kaya responsibilidad din ng bawat anak na alagaan at arugain ang mga magulang pag matatanda na, mahihina na at wala ng lakas at resources para magtrabaho at asikasuhin ang sarili. Hindi na dapat nagiging isyu yon," dagdag ni Arcilla.


Dagdag pa ni Arcilla, "Kaya nga dapat habang lumalaki ang tao at nangangarap, kasama sa plano natin at ng ating mga kapatid kung paano aalagaan ang mga magulang natin pag tanda nila."


Binigyang-diin din ni John na ang ginagawa ng mga anak sa kanilang magulang ay magiging salamin ng kung paano nila pakikitunguhan ang kanilang sariling mga magulang sa hinaharap. "Kasi aminin mo, pag tanda natin gusto din nating makita ang mga anak natin sa ating tabi, makasama sila hanggang sa huling sandali," wika ni John.


Ang huling paalala ni John Arcilla ay dapat ipakita ng mga magulang sa kanilang mga anak na natural at normal ang pag-aalaga at pag-aruga sa kanilang mga magulang. “Kaya kung pinapangarap din nating makasama at alagaan tayo ng ating mga anak, ipakita natin sa kanila na normal at natural ang pag-alaga at pag-aruga ng ating mga magulang," dagdag pa ni Arcilla.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento