Advertisement

Responsive Advertisement

Jude Bacalso, Nagpahayag: Paggamit ng Tamang Pronoun, Simpleng Respeto na Dapat Ibigay sa Bawat Isa!

Sabado, Setyembre 21, 2024

 


Muling iginiit ng LGBTQIA+ writer na si Jude Bacalso ang kahalagahan ng paggamit ng tamang pronoun bilang pagpapakita ng respeto sa kapwa. Ayon kay Jude, ang simpleng pagtawag sa isang tao gamit ang kanilang tamang panghalip ay hindi lamang isang paggalang, kundi isang paraan upang maipakita ang pagkilala sa kanilang pagkakakilanlan.


"Calling someone by their correct pronoun is a form of respect, and I’ll give you that. Walang mawala sa akin, walang mawala sa'yo," ani Jude, habang binibigyang-diin na walang dapat ipagdamdam o ikatakot ang sinuman sa paggamit ng tamang panghalip para sa iba.


Matatandaan na naging malaking isyu ang kinaharap ni Jude noong Hulyo 2024 nang mag-trending sa social media ang insidente kung saan pinatayo niya ang isang waiter sa loob ng halos dalawang oras matapos siyang matawag na "sir." Ang nasabing insidente ay nagdulot ng malawakang diskusyon online tungkol sa respeto sa kasarian at pagkakakilanlan.


Dagdag pa ni Jude, hindi dapat tignan bilang isang mabigat na bagay ang paggamit ng tamang pronoun, sapagkat ito ay simpleng pagkilala sa dignidad at pagkatao ng bawat isa. Nanawagan din siya ng mas malawak na pang-unawa at pagbibigay ng espasyo sa bawat indibidwal, lalo na’t bahagi na ng modernong lipunan ang pagkilala sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.


Ayon kay Jude, bagama’t walang batas na nagpaparusa sa maling paggamit ng pronoun, ito ay usapin ng moralidad at pagrespeto sa pagkakakilanlan ng isang tao. Hinimok din niya ang publiko na maging mas sensitibo at maunawain sa mga ganitong bagay upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at kaguluhan sa hinaharap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento