Si Abra Representative Ching Bernos ay kasalukuyang humaharap sa kontrobersiya matapos mapansin ng ilang netizens ang kanyang mga mamahaling gamit tulad ng bags, accessories, at relo na suot niya sa iba’t ibang okasyon. Ang mga eagle-eyed na netizens ay agad na nagtaka kung paano nagkaroon ng mga ganitong gamit ang isang public official.
Sa isang Facebook post na ibinahagi ng Tetelestai, makikita si Rep. Bernos na may suot na ilang mamahaling bag, kabilang na ang Hermes Neige Faubourge Birkin 20 White Matte Alligator Handbag na nagkakahalaga ng P23.4 milyon, at ang Hermes So Black Midnight Faubourge Birkin 20 Matte Alligator Handbag na may presyong P19.5 milyon.
Bukod sa mga bag, napansin din ng netizens ang kanyang mga mamahaling relo tulad ng Richard Mille RM07-01 for Ladies in 18K White Gold Top Diamonds with Red Jasper Island Diamond na nagkakahalaga ng P12.5 milyon; Richard Mille RM 72-01 Titanium Automatic Chronograph na may presyong P17.4 milyon; at Richard Mille RM 029 na nagkakahalaga ng P10.6 milyon. Kabilang din sa kanyang koleksyon ang Richard Mille Automatic Winding Lifestyle Flyback Chronograph na may halagang P16.7 milyon at isang Patek Philippe Aquanaut Rose Gold na nagkakahalaga ng P5.1 milyon.
Agad na nagdulot ng tanong ang mga netizens tungkol sa kung paano nakukuha ng isang public official ang ganitong kayamanan, lalo na’t mayroong mga regulasyon na nagsasabing ang mga opisyal ng gobyerno at kanilang mga pamilya ay dapat mamuhay nang simple at ayon sa kanilang posisyon at kita. Ayon sa mga alituntunin, hindi sila dapat magpakita ng labis na kayamanan o magpakasasa sa marangyang pamumuhay.
"Hindi ba may mga batas para sa mga opisyal ng gobyerno tungkol sa pagdispley ng yaman? Nakakagulat ito lalo na sa isang public servant," komento ng isang netizen. Marami rin ang nagtanong kung paano pinopondohan ni Rep. Bernos ang ganitong mga bagay at kung ang kanyang lifestyle ay naaayon sa kanyang posisyon bilang isang lingkod-bayan.
Sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Rep. Ching Bernos tungkol sa isyung ito. Maraming mga netizens ang naghihintay ng kanyang tugon at pagpapaliwanag kung paano niya nakuha ang mga mamahaling gamit at kung ito ba ay naaayon sa mga alituntunin para sa mga public official.
Patuloy ang diskusyon online, at marami ang nagsasabi na dapat maging halimbawa ang mga opisyal ng gobyerno sa pagiging simple at tapat sa kanilang tungkulin, lalo na sa harap ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento