Advertisement

Responsive Advertisement

Lotlot De Leon, Nagsalita Na Tungkol Sa Relasyon Nina Janine Gutierrez at Jericho Rosales - Alamin Ang Kanyang Nakakainspire Na Sagot!

Biyernes, Setyembre 20, 2024

 



Naging usap-usapan ang naging guest appearance ni Lotlot De Leon, kung saan sinagot niya ang mga tanong tungkol sa kanyang anak na si Janine Gutierrez at ang rumored relationship nito kay Jericho Rosales.


Sa nasabing interview, tinanong si Lotlot kung "boto" ba siya kay Jericho Rosales para kay Janine. "Boto ka ba?" tanong ni Tito Jun. "Kanino po?" sagot ni Lotlot. "Kay Jericho," sagot ni Tito Jun. Hindi direktang sinagot ni Lotlot ang tanong ngunit sinabi niya na, "Basta ako Tito Jun, unang-una, importante sa akin pinagmamalaki yung mga anak ko."


Dagdag pa niya, masarap sa pakiramdam bilang ina na marinig mula sa isang tao na hinahangaan at pinagmamalaki ang kanyang anak. "Girlfriend ko or dinedate ko or I really want to be with her," dagdag pa ni Lotlot, na nagpapahiwatig ng kanyang suporta sa anumang relasyon basta't may pagmamalaki at respeto sa kanyang anak.


Tinanong din siya ni Tito Jun kung mayroong mga taong hindi ipinagmamalaki si Janine. "Meron bang hindi nagmalaki kay Janine?" tanong niya. Sagot ni Lotlot, "Hindi ko alam, meron ba? Pakibulong nga sa akin Tito Jun," sabay ngiti.


Sa kabila ng mga spekulasyon, tila ipinapakita ni Lotlot na bilang isang ina, ang mahalaga sa kanya ay ang kaligayahan ng kanyang anak at kung paano ito tinitingnan ng taong nagmamahal sa kanya

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento