Matapos ang limang taon ng matiyagang paghihintay, narito na ang pinakahihintay na sequel ng 2019 blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye ang Hello, Love, Again! Muli nating masusubaybayan ang kuwento nina Ethan (Alden Richards) at Joy (Kathryn Bernardo), dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na unang nagkita sa Hong Kong at nahulog ang loob sa isa't isa, sa maling oras. Ngayon, limang taon na ang nakalipas at muling magtatagpo ang kanilang mga landas, sa Canada naman.
Ang tanong ng lahat: malalampasan kaya ng Hello, Love, Again ang tagumpay ng top-grossing film na Hello, Love, Goodbye?
Inanunsyo ng SM Cinemas sa kanilang social media noong Sabado na ang mga ticket para sa Hello, Love, Again ay available na. Ang mga tagahanga ng KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) ay maari nang bumili ng tickets sa pamamagitan ng SM Cinemas online ticketing website, SM Cinema app, at SM Cinemas ticket booths nationwide.
Bukod sa SM Cinemas, maari ring makabili ng tickets ang mga fans sa mga piling Ayala Malls sa buong bansa sa kanilang online ticketing websites.
Ang sequel na ito ay inaasahang dudumugin ng mga fans na sabik nang makita ang kasunod na kabanata ng Hello, Love, Goodbye, na naging highest-grossing Filipino film of all time. Ngayon, may malaking pressure para sa Hello, Love, Again na lampasan ang kasikatan ng unang pelikula at magbigay ng parehong damdamin at emosyonal na koneksyon sa mga manonood.
Habang papalapit ang premiere ng pelikula, siguradong magiging trending at blockbuster hit muli ito, lalo na’t ang kwento ng pagmamahalan nina Ethan at Joy ay muling binubuhay sa bagong tagpo at mas maraming komplikasyon. Handa na ba ang mga fans para sa muling pagbabalik ng KathDen sa big screen?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento