Muling nagsalita si Jude Bacalso, isang kilalang lifestyle writer mula sa Cebu, kaugnay ng kontrobersiyal na isyu ng misgendering na naganap noong Hulyo 2024. Sa isang forum kung saan siya ay naging tagapagsalita, iginiit ni Jude na tama lamang ang kanyang reklamo sa nasabing insidente at kanyang pinaninindigan ang kanyang mga hakbang upang itama ang sitwasyon.
Ayon kay Jude, hindi lamang siya isang beses, kundi tatlong beses na misgendered o tinawag gamit ang maling panghalip. “I had a valid complaint… I was misgendered not once, but three times,” ani Jude sa kanyang talumpati na nai-post ng CDN via Facebook.
Ipinaliwanag pa ni Jude na sa tuwing may mga ganitong sitwasyon, ang kanyang karaniwang reaksyon ay gamitin ang humor o pagpapatawa bilang tugon. Gayunpaman, ipinunto niya na napakahalaga ng inclusivity lalo na kung nagtatrabaho ka sa mga industriya na humaharap sa publiko. Para kay Jude, mahalaga ang pagkilala sa tamang gender identity ng isang tao, lalo na sa mga lugar tulad ng serbisyo publiko.
Kaugnay ng mga batikos na natanggap niya mula sa netizens, ipinahayag ni Jude na hindi siya naglabas ng anumang negatibong post tungkol sa insidente, at ang mga batikos laban sa kanya ay tila nanggaling sa mga pekeng account. Sa kabila ng kontrobersiya, nanindigan si Jude na ang kanyang reklamo ay may basehan at nagsilbing isang mahalagang pagkakataon upang mapag-usapan ang tamang pagrespeto sa gender identity ng bawat isa.
Ang insidente ay naganap sa Ulli’s Streets Asia restaurant sa Ayala Center, Cebu, kung saan isang waiter ang tumawag sa kanya ng “Sir” imbes na gumamit ng tamang panghalip na angkop sa kanyang gender identity. Bagama’t naging mainit ang usapin at inulan ng mga opinyon mula sa publiko, nanatiling matatag si Jude sa kanyang paninindigan na ang isyu ng misgendering ay isang valid na reklamo na hindi dapat binabalewala.
Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Jude ang kahalagahan ng edukasyon at kamalayan pagdating sa tamang pagtrato sa LGBTQIA community, lalo na sa mga lugar na may kinalaman sa serbisyo sa publiko.
Tae mo Sir!!!! Sir!!! Sir!!!
TumugonBurahinI FEEL YOU, SIR! 😂🤣😝😝
TumugonBurahinSa akin lang huh. He/she? Could not blame the waiter kasi ganun ang pagkaintindi ng waiter sa kanya. Nagtatrabaho lang naman si waiter at saka yun ang pagkakakilala sa kanya ni waiter. Itonyung mga bagay na.ikasisira ng LGBT.... Community eh. Tanggap.naman sila pero.sa mga ganitong bagay sila masisira. If he/she want to.explain.his/her sef, he/she mayntalk tomthe waiter in a nice way. Hindi yung parang nagmamataas ka.
TumugonBurahinAnong problema dun sa pagtawag nya sau ng sir, eh sir ka naman talaga...
TumugonBurahin