Hindi mapigilan ni Mura, o Allan Padua sa totoong buhay, na maging emosyonal sa kanyang panayam kasama ang vlogger na si Virgelyncares matapos ibahagi ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Kilala si Mura bilang isang komedyante at entertainer noong 2000s, ngunit makikita sa video na ipinost ni Virgelyncares na hirap na hirap nang gumalaw si Mura dahil sa kanyang kalusugan.
Ayon sa kanyang kwento, ramdam ni Mura na iniwan na siya ng kanyang pamilya, pati na ang mga kapatid na tinulungan niya noong may pera pa siya. "Kapatid ko, pinabayaan na ako. Ganito na 'yung sitwasyon ko. Kaming dalawa ni Papa, pinabayaan na," emosyonal na pahayag ni Mura sa video.
Ibinahagi rin niya kung paano tila nawalan ng malasakit sa kanya ang mga taong minsan niyang tinulungan. "Nung may pera ako, ganon mabibilis silang kumilos. E ngayon, wala na akong pambayad sa kanila. Pinabayaan din kami," dagdag pa ni Mura. Makikita sa video ang kanyang kalungkutan at pagkabigo, lalo na sa mga taong minsan niyang itinuring na pamilya.
Bagama’t mahirap ang kanyang sitwasyon, marami sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang tulong at dasal para kay Mura, umaasang makakabangon pa siya sa pagsubok na kanyang kinakaharap. Ang kanyang kwento ay nagsilbing paalala sa marami kung gaano kahalaga ang tunay na pagmamahal at suporta, lalo na sa mga panahong nangangailangan ng tulong at pang-unawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento