Advertisement

Responsive Advertisement

Rosanna Roces, Hindi Napigilang Banatan Si Jude Bacalso: 'Hindi Mo Nga Matanggap Sa Sarili Mo Na Panget Na Lalake Ka, Ungas!'

Martes, Setyembre 24, 2024

 



Nakahanap ng katapat ang kontrobersyal na LGBTQIA+ writer na si Jude Bacalso kay Rosanna Roces, isang kilalang aktres na kilala rin sa kanyang pagiging palaban at diretsahang pananalita. Kamakailan, inulan ng kritisismo si Jude matapos umano niyang piliting manindigan ang isang waiter sa loob ng dalawang oras upang pakinggan ang kanyang lecture tungkol sa gender sensitivity, matapos siyang tawaging "sir" ng nasabing waiter.


Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ni Rosanna, o mas kilala bilang Osang, na magbigay ng matapang na reaksyon patungkol kay Jude. Bilang kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community, sinabi ni Rosanna na dapat tanggapin ni Jude ang realidad ng kanyang pagkatao at huwag ipilit na tanggapin siya ng lipunan bilang isang babae.


“Ang madilim na katotohanan ay gusto mo tanggapin ka ng mga nakapaligid sa ‘yo na babae ka… eh, hindi mo nga matanggap sa sarili mo na panget na lalake ka, ungas!!” matapang na pahayag ni Rosanna.


Maraming mga kaibigan ni Rosanna ang nagkomento sa kanyang post at sinubukang pakalmahin siya, ngunit iginiit ng aktres na nararapat lang daw ang mga salitang binitiwan niya dahil sa asal ni Jude sa isang karaniwang manggagawa. “Salbahe siya, eh,” dagdag pa ni Osang.


Dahil sa kanyang pahayag, maraming netizens ang sumang-ayon kay Rosanna at nagsabing natagpuan na ni Jude ang kanyang katapat sa katauhan ng aktres. Samantala, wala pang tugon si Jude Bacalso sa mga sinabi ni Rosanna.


Matatandaang ilang beses nang iginiit ni Jude na isa siyang babae, at gumawa pa ng mga pahayag tungkol sa kung ano ang depinisyon ng isang tunay na babae. Ang kanyang ginawang "lecture" sa waiter ay umani ng sari-saring reaksiyon sa social media, at ang naging pahayag ni Rosanna ay tila naging boses ng ilan sa mga netizens na hindi sang-ayon sa naging pagtrato ni Jude sa naturang insidente. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento