Advertisement

Responsive Advertisement

RR Enriquez, Binatikos Si Jude Bacalso: 'He is for Men, She is for Women, Yan Ang Alam Ng Lahat!'

Martes, Setyembre 24, 2024

 



Hindi napigilan ni RR Enriquez, dating Wowowee dancer at kilalang social media personality, na magbigay ng kanyang opinyon ukol sa kontrobersyal na isyu ng LGBT writer na si Jude Bacalso. Kamakailan, naging viral si Bacalso matapos niyang patayuin ang isang waiter ng dalawang oras upang pakinggan ang kanyang "lecture" tungkol sa gender sensitivity at tamang paggamit ng pronouns matapos siyang tawaging "sir" ng naturang waiter.


Ayon kay RR Enriquez, hindi na kinakailangan pang pahabain ni Bacalso ang diskusyon at hindi na kailangang patayuin ng dalawang oras ang waiter. Naniniwala siya na may ibang paraan para maitama ang pagkakamali ng waiter nang hindi kinakailangang magmukhang "rude."


"Palaging may dalawang panig sa bawat kwento," ani RR sa kanyang social media post. "Maaring naging maayos at mapayapa ang pag-uusap ninyo ng waiter, at hindi mo intensyon na patayuin siya ng ganun katagal. Pero dahil ikaw ang nagpasimula ng lecture, hindi mo masisisi ang tao na isipin na naging bastos ka."


Dagdag pa ni RR, hindi na dapat tinuturo pa ang mga ganitong bagay dahil ito ay basic na kaalaman na natutunan natin noong elementarya pa lamang. "He is for men and She is for women. Yan ang alam ng lahat," ani RR.


Aminado naman si RR Enriquez na nauunawaan niya ang punto ni Jude Bacalso, lalo na’t nakakainsulto nga naman na tawaging "sir" kahit na malinaw na naka-makeup at naka-damit pambabae si Bacalso. Gayunpaman, iminungkahi ni RR na mas magandang paraan sana kung mahinahon na lamang na sinabi ni Bacalso sa waiter na, "Call me Ma’am na lang Kuya. I prefer Ma’am instead of Sir."


Sa kabila ng opinyon ni RR Enriquez, iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa kanyang pahayag. May mga sumang-ayon sa kanya at naniniwala na dapat may hangganan ang pagtuturo ng gender sensitivity, samantalang ang iba naman ay naniniwalang tama si Jude Bacalso sa kanyang ginawang aksyon upang turuan ang waiter tungkol sa tamang paggamit ng pronouns.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento