Ang kilalang manghuhula na si Rudy Baldwin ay muling nagpakita ng kanyang kakayahan sa paghula matapos niyang ibahagi ang kanyang prediksyon para sa paparating na 2028 Los Angeles Olympics. Sa kanyang kamakailang post sa Facebook, tinukoy ni Rudy ang mga posibleng mananalo ng gintong medalya sa nasabing kaganapan, na agad namang naging usap-usapan sa social media.
Ayon kay Rudy Baldwin, ang mga batang atleta na sina Eldrew at Eliza Yulo, mga kapatid ni Carlos Yulo, ay may malaking tsansang makapag-uwi ng gintong medalya mula sa 2028 Olympics. Ang kanilang pangalan ay lumabas sa prediksyon ni Rudy, na nagbigay ng inspirasyon hindi lamang sa pamilya Yulo kundi pati na rin sa mga tagasuporta ng kanilang karera sa gymnastics. Ngunit hindi binanggit ni Rudy na kasama si Carlos Yulo sa mga makapag-uwi ng medalya, possible kayang uuwing luhaan si Carlos Yulo sa susunod na Olympic.
Sa kabila ng prediksyon ni Rudy tungkol sa mga tagumpay nina Eldrew at Eliza, tila may kakaibang reaksyon ang publiko nang banggitin na si Carlos Yulo, ang dalawang beses na nagwagi ng ginto sa Olympics, ay maaaring hindi na makuha ang gintong medalya sa 2028. Ayon kay Rudy, may posibilidad na iba ang manalo sa susunod na paligsahan, na siyang nagbukas ng mga diskusyon sa social media kung totoo nga bang matatalo si Carlos.
Bukod sa mga Yulo siblings, binigyang pansin din ni Rudy ang mga kababaihang boksingero na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio. Kilala sa kanilang mga nakaraang tagumpay sa boksing, ang dalawang ito ay kasama rin sa listahan ng mga posibleng makapag-uwi ng gintong medalya sa susunod na Olimpiyada, ayon sa hula ni Rudy.
Sa kabila ng kanyang kontrobersyal na prediksyon tungkol kay Carlos Yulo, nananatiling positibo si Rudy sa mga posibilidad ng mga batang atleta ng Pilipinas na magtagumpay sa international stage. Ang kanyang mga pahayag ay tila nagbibigay ng inspirasyon at hamon para sa mga atleta na patuloy na paghusayin ang kanilang talento at dedikasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento