Hindi nagpapahuli sa mga kakaibang pakulo si social media influencer Rosmar Tan! Ngayon, may bagong pasabog si Rosmar, isang sariling version ng “Pinoy Big Brother” na tinawag niyang “R Big Sister’s House.” Sa isang TikTok post, inanunsyo ni Rosmar ang pagsisimula ng kanyang reality show kung saan pipiliin ang mga housemates na papasok sa kanyang bahay sa Tagaytay ngayong darating na September 15.
Ang mga housemates ay magkakaroon ng libreng tirahan, kuryente, tubig, WiFi, at air-conditioned room. Bukod pa dito, may pagkakataon din silang sumikat at magkaroon ng endorsements habang nasa loob ng bahay. At sa Pasko, may chance pa silang mag-uwi ng “digits”!
Hindi pinalampas ng mga netizens ang oportunidad na gawing laughtrip ang kanyang announcement. Isang netizen ang pabirong nagsabi, "Ano na naman ito, Rosmar!" Samantalang ang isa naman ay nagkomento na ang mga task daw sa loob ng bahay ay “mag-pack ng orders, mag-serve ng pares at champorado, at alagaan si Yaya Agie.”
Dagdag pa ng isa, "Ladies and gentlemen, let us all welcome, the queen of randomness herself, Rosmar."
Bagama’t puno ng biro ang mga reaksyon, tila hindi apektado si Rosmar. Sa halip, patuloy niyang ipinapakita ang kanyang pagiging kakaiba at malikhain, na siyang dahilan kung bakit patuloy na tumatangkilik ang kanyang mga followers. Sa kabila ng mga pangungutya, inaasahan ng marami na magiging patok ang “R Big Sister’s House” dahil sa kakaibang timpla ni Rosmar sa kanyang mga proyekto at pakulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento