Nagbigay ng matapang na pahayag si Valentine Rosales, isang kilalang internet personality, tungkol sa kontrobersyal na isyu ng LGBTQIA+ writer na si Jude Bacalso. Ayon kay Valentine, panahon na para itigil ni Jude ang pagpupumilit na tawagin siyang "ma’am."
Matatandaang nanawagan si Jude sa mga netizens na gumamit ng tamang panghalip (pronouns) bilang tanda ng respeto sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Aniya, “Calling someone by their correct pronoun is a form of respect, and I’ll give you that. Walang mawala sa akin, walang mawala sa’yo.”
Subalit, hindi ito sinang-ayunan ni Valentine Rosales. Ayon sa kanya, malinaw na dapat ipaliwanag ni Jude na bagama’t “she” ang kanyang preferred pronoun, hindi ito nangangahulugang ito ang kanyang lehitimong panghalip. “Excuse me, I think you need to rephrase your sentence. Ang correct pronoun mo is ‘He,’” pahayag ni Valentine.
Dagdag pa niya, “Pero ‘She’ ang preferred pronoun mo! Iba ang PREFERRED pronoun sa legitimate pronoun mo. At paano ka rerespetuhin kung di mo nga nire-respeto ang sarili mo? HE ka, ginagawa mong SHE?”
Sa kasalukuyan, si Jude Bacalso ay nahaharap sa reklamo mula sa waiter na umano’y pinilit niyang manindigan nang dalawang oras matapos siyang tawaging “sir.” Wala pang tugon si Jude sa naging pahayag ni Valentine Rosales hanggang sa ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento