Advertisement

Responsive Advertisement

VP Sara Duterte, Nagpatattoo Kay Apo Whang-od sa Kabila ng Pakiusap ng Kanyang Ina! 'Hindi na Ako Nakahindi'

Lunes, Setyembre 30, 2024

 



Nagbigay pugay si Vice President Sara Duterte sa kultura ng mga Kalinga nang magdesisyon siyang magpatattoo sa kilalang mambabatok na si Apo Whang-od sa kanyang pagbisita sa Buscalan, Kalinga nitong weekend. Sa kabila ng pagbabawal ng kanyang ina, si Elizabeth Zimmerman, na huwag nang magdagdag ng tattoo, hindi napigilan ni VP Sara ang kanyang sarili na tanggapin ang pagkakataong matatakan ng pinakamatandang mambabatok sa bansa.


Ayon sa pahayag ni VP Sara, inanyayahan siya ni Apo Whang-od na magpatattoo ng apat na beses, at hindi na siya nakatanggi sa alok ng sikat na mambabatok. “Hindi na ako na nakahindi dahil ang isang senior citizen na mismo ang apat na beses na nagsabi na tattoo-an kita. Kaya masaya din ako dahil mayroon din ako tulad ninyong lahat na tattoo ni Apo Whang-od,” pagbabahagi ni VP Sara sa kanyang karanasan.


Sa pamamagitan ng pagpapatattoo kay Apo Whang-od, ipinakita ni VP Sara ang kanyang pagpapahalaga at respeto sa kultura at tradisyon ng mga Kalinga, partikular sa kanilang sining ng pagpapakita ng kagandahan at lakas sa pamamagitan ng pagtatattoo.


Maraming netizens ang natuwa sa desisyon ni VP Sara na magpatattoo kay Apo Whang-od. Marami ang nagbigay ng kanilang paghanga at papuri sa kanyang ginawa, na nagsasabing ito ay isang malinaw na pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa kultura ng mga katutubo sa Pilipinas. Sa kabila ng kanyang posisyon bilang Pangalawang Pangulo ng bansa, ipinakita niya ang pagiging simple at pagiging totoo sa kanyang sarili.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento