Hindi pinalagpas ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ang isang netizen na nagbigay ng malisyosong komento tungkol sa kanyang hitsura at nag-akusa ng pagpaparetoke. Sa isang post sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Xyriel ang kanyang larawan kung saan suot niya ang isang silver corset at jeans, na may caption na “I’m the vibe.”
Ngunit isang netizen ang nagkomento ng hindi maganda at nagsabing, “Panget na panget sa sarili niya kaya dameng pinagawa.” Hindi nag-atubiling sumagot si Xyriel sa body shaming na ito at sinupalpal ang naturang netizen. Bagama’t kilala ang aktres sa kanyang pagiging pribado at tahimik, hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa hindi kanais-nais na komento.
Maraming tagahanga ni Xyriel ang agad na sumuporta sa kanya, pinupuri ang kanyang lakas ng loob na tumugon sa mga ganitong uri ng pambu-bully. Kilala si Xyriel sa kanyang pagganap sa mga sikat na teleserye noong bata pa siya, at hanggang ngayon ay tinitingala siya bilang isang inspirasyon sa kabataang artista.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento