Buong puso at masayang tinanggap ng Filipino Olympian na si EJ Obiena ang isang framed memorabilia na puno ng mga mensahe mula sa kanyang mga tagasuporta sa isang homecoming ceremony na inorganisa ng Milo Philippines. Ang nasabing memorabilia ay simbolo ng pagmamahal at paghanga ng mga Pilipino sa kanyang natatanging husay at dedikasyon bilang isang atleta.
Inulan ng suporta si EJ mula sa kanyang mga tagahanga, na nagbigay-diin na deserve niya ang parangal na ito dahil sa kanyang mabuting personalidad at pagmamahal sa kapwa Pilipino. Ayon sa ilang netizens, si EJ ang nararapat na tawaging 'most admired' athlete, dahil siya ang tunay na halimbawa ng magandang asal, lalo na sa usapin ng pamilya. Ikinumpara ito sa kapwa atleta na si Carlos Yulo, na kasalukuyang nasa gitna ng mga kontrobersya, na ayon sa iba, hindi magandang halimbawa pagdating sa relasyon ng pamilya.
Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si EJ sa lahat ng kanyang mga tagasuporta at ipinangako na patuloy siyang magsisilbing inspirasyon, hindi lamang para sa mga atleta, kundi pati na rin sa bawat Pilipino.
"Maraming salamat sa inyong lahat. Gagawin ko ang lahat upang maipagpatuloy ang pagbibigay inspirasyon sa bawat isa, mapa-atleta man o hindi," pahayag ni EJ Obiena.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento